Isinailalim sa Witness Protection Program o WPP ng Department of Justice (DOJ) ang isa sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity at isa sa mga suspek sa hazing na ikinasawi ni Horacio “Atio” Castillo III.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nakipagkita sa kanya si Mark Ventura kasama ang kanyang mga abogado at idinetalye ang pinagdaanan ni Castillo sa initiation rites.
Sinabi ni Aguirre na agad siyang nagpasyang ilagay sa provisional acceptance ng WPP si Ventura matapos marinig ang pangalan ng mga sangkot sa hazing kay Castillo.
Sinimulan aniya ang hazing sa pagsuntok lamang sa braso ni Castillo, bago pinakalma ang namamaga na nitong muscles ng spatula bago ang pagpalo ng paddle.
At third paddle sumagot pa ata si Atio na kaya niya pa but, in the fourth paddle hindi na niya kaya and he collapsed already.
And, intelligible na ‘yung kanyang response, hindi na siya maka-respond, parang umuungol na raw siya.
But after a few minutes, siguro nung nakita nilang nagkakamalay si Atio, they struck him for the fifth time with the paddle.
So, sa fourth nag collapsed na, so, in fifth lalong nag collapsed.