Bahala na ang mga paaralan na magpasya kung magsasagawa ng make up classes tuwing Sabado.
Ayon ito kay Education Undersecretary Tonicito Umali, kasunod na din ng anunsyong isang linggong kanselasyon ng klase sa susunod na buwan dahil sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Sinabi ni Umali na 204 school days ang nasa academic calendar ngayon at 180 days ay non-negotiable at dalawampu’t apat (24) naman ay buffer days na uubrang gamitin ng mga estudyante para sa make up classes.
Batay sa record ng Department of Education o DepEd, mas maraming class suspension ang naitala sa Metro Manila at labing lima (15) pa lamang sa buffer days ang nagamit na.