Isang ranggong promosyon at isang buwang bakasyon ang ibinigay ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa halos limandaang (500) miyembro ng Special Action Force o SAF na lumaban sa Marawi City.
Sa kanyang talumpati sa Heroes’ Welcome para sa mga SAF trooper sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, inanunsyo ni Bato na tuloy ang pangako niyang libreng bulalo sa Tagaytay City.
Ginawaran din ang mga SAF member ng medalya ng sugatang magiting, medalya ng kadakilaan at Anti-Terrorism Award.
1 ranggong promosyon, 1 buwang bakasyon, libreng bulalo sa Tagayata, bigay ni PNP Chief Dela Rosa para sa lahat ng SAF contigent sa Marawi pic.twitter.com/eLNb0HJR4B
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 25, 2017
Ginawaran ni PNP Chief Dela Rosa ang ilan sa mga SAF troopers ng anti terrorism medal, medalya ng kadakilaan at medalya ng sugatang magiting pic.twitter.com/9UAw6hf4im
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 25, 2017
Sa gitna naman ng kanyang talumpati, naging emosyonal si Dela Rosa nang magpasalamat sa kanyang mga tauhan at maalala ang sakripisyo ng mga ito sa limang buwang giyera sa Marawi.
Napaiyak si PNP Chief Dela Rosa habang pinasasalamatan ang mga pulis na lumaban sa Marawi pic.twitter.com/bNnFRnl5A9
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 25, 2017
Sa halos 500 SAF troopers na ipinadala sa Marawi, apat ang hindi na nakabalik ng buhay at ang mga ito ay sina Police Officers 3 Alexis Mangaldan, Alexis Laurente, Daniel Tegwa at Police Officer 1 Moises Kimayong na pawang ginawaran ng Posthumous Award.
Sa halos 500 SAF troopers na pinadala sa Marawi, 4 ang hindi na nakabalik ng buhay, gagawaran sila ng PNP ng posthumous award pic.twitter.com/37ruF90Uy2
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 25, 2017