Ibinasura ng Commission on Audit ang petition for money claim ng Camp john Hay Development Corporation laban sa Bases Conversion and Development Authority na nagkakahalaga ng halos 1.4 na bilyong Pisong sa rental payments.
Sa siyam na pahinang desisyon, nakitaan ng COA ang petisyon ng C.J.H.D.C. ng “lack of jurisdiction at ipinuntong ang Supreme Court ang dapat magbigay ng final determination sa karapatan at obligasyon ng contracting parties.
Noong 1996, pumasok ang Bases Conversion and Development Authority sa isang lease agreement sa CJHDC, Fil-Estate Management, at Penta Capital Investment Corporation para sa development ng 247 hectares na property sa Camp John Hay, Baguio City.
Alinsunod sa kasunduan, papayagan ang developer na i-operate at pangasiwaan ang leased property sa loob ng 25 taon na maaaring palawigin ng 25 pang taon sa annual rate na 425 million Pesos sa unang limang taon at 150 million Pesos para sa ika-anim na taon hanggang sa mga susunod pang taon.
Matapos ang isang taong pagbabayad, hiniling ng C.J.H.D.C. na ipatigil ang pagbabayad ng renta matapos ang unang annual rent dahil sa kakulangan ng pera.