Tinatayang 200 dating drug-dependent ang inaasahang sasailalim sa “spiritual transformation” sa pamamagitan ng programa ng Caloocan Drug Abuse Council sa tulong ng simbahang Katolika.
Sa ilalim ng naturang programa, tutulungan ng mga psychiatrist ang mga dating adik sa spiritual transformation apat na beses kada linggo sa loob ng anim na buwan at kahit maka-graduate na ay i-mo-monitor pa rin ang mga ito.
Hindi naman idinetalye ng Diocese of Caloocan kung kailan magsisimula ang sesyon patungo sa sinasabing pagbabagong buhay ng mga nalugmok sa iligal na droga.
Magugunitang naganap sa Caloocan City ang mga kontrobersyal na kaso umano ng drug-related killings gaya ng kay Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.