Walang nakikitang masama ang ilang Senador sa ginawang pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alok na tulong ng European Union para sa Marawi City.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, bagamat kailangan talaga ng tulong para sa agarang pagbangon ng Marawi City, hindi pa rin ito dahilan para maisantabi ng mga Pilipino ang national pride of patrimony.
Binatikos din ng Senador ang pakikialam ng EU sa Pilipinas na aniya ay nagmamalinis at namamarunong ang mga ito gayung dapat ay unahin linisin muna ang kanilang bakuran bago panghimasukan ang bansa.
Paliwanag naman ni Senador Kiko Pangilinan ang Pangulo ang chief architect ng foreign policy, kaya’t prerogative nito kung tatanggapin o tatanggihan ng alok na tulong ng ibang bansa.
Dapat lang aniyang tiyakin na magiging maayos ang rehabilitasyon sa Marawi City at mapo-pondohan ito kahit pa tanggihan ang alok na tulong mula sa EU.