Dalawang beses na nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit o MRT kaninang umaga.
Una nang pinababa ang mga pasahero sa GMA Kamuning Cubao Station southbound alas-7:39 ng umaga dahil sa automatic train protection failure.
Alas-8:18 ng umaga naman nang magkaroon ng problema sa Buendia Station northbound.
Ang nasabing insidente ay tinaguriang category 3 o inalis na ang apektadong tren ng walang kapalit at kailangang ikansela ang loops at insertion.
—-