Unti-unti nang tumataas ang presyo ng mga bulaklak, halos isang linggo bago ang undas.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Dangwa Market sa Sampaloc, Maynila, dagsa na ang mga mamimili ng bulaklak.
Bagaman hindi pa nagtataas ang karamihan sa mga flower vendor, P10.00 hanggang P20.00 naman ang idinagdag ng ilang nagtitinda sa kanilang produkto.
Ang white orchids nasa P480.00 hanggang P500.00 na ang kada bundle; violet orchids, P300.00 kada bundle; Malaysian mums, P130.00 hanggang P180.00 kada bundle; mga rosas, P150.00 hanggang P180.00 kada bundle;
Aster, P120.00 hanggang P150.00 kada kilo; carnation, P170.00 hanggang P180.00 kada bundle; stargazer, P130.00 kada tangkay at gerbera, P170.00 hanggang P180.00.
Naglalaro naman sa P500.00 hanggang P650.00 ang presyo ng mga imported na bulaklak.
Inaasahang sisirit pa ang presyo ng mga bulaklak simula Biyernes, Oktubre 27 dahil sa malaking demand.