Suspendido na ang lahat ng permit to carry firearms sa Metro Manila at Central Luzon sa loob ng dalawang linggo simula Nobyembre 1.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, layon nitong matiyak at mapayapang maidaraos sa bansa ang ika-tatlumpu’t isang (31) Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Kasabay nito, sinabi ni Dela Rosa na patuloy ang pangangalap ng intelligence information ukol sa banta laban sa summit.
Ang suspensyon ng permit to carry firearms ay tatagal hanggang sa Nobyembre 15.