Pinakain ng alikabok ng Oklahoma City Thunder ang Indiana Pacers sa iskor na 114-96.
Nanguna sa panalo si Russel Westbrook na nakapagtala ng kanyang 81st career NBA triple double.
Umiskor si Westbrook ng dalawampu’t walong (28) puntos, sampung (10) rebounds at labing anim (16) na assists.
Samantala, nakapag-ambag din ng dalawampu’t walong (28) puntos para sa Thunder si Carmelo Anthony.
Ito naman ang unang panalo ni Paul George kontra sa dati niyang koponan na Pacers.