Dinoble na ng Social Security System (SSS) ang ibinibigay nitong funeral benefits, simula nitong Agosto 1.
Ayon kay Ruby Nicolas, Senior Program Specialist ng SSS, maaari nang umabot sa P40,000 ang matatanggap ng nagpaluwal sa pagpapalibing sa SSS member, kung ang miyembro ay mayroong 267 contributions at average monthly salary credit na hanggang P15,000.
Ipinaliwanag ni Nicolas na para ma-claim ang funeral benefit, kailangan lamang isumite sa anumang sangay ng SSS ang mga sumusunod:
• resibo ng nagpaluwal sa pagpapalibing na naka pangalan sa kaniya,
• funeral benefit claim application,
• certified true copy ng death cert ng member na naka rehistro sa NSO at,
• filers affidavit
“P20,000 pero simula po nitong August 1, magbibigay na ang SSS ng hanggang P40,000, pero ito ay depende sa bilang ng contribution ng miyembro at ng kanyang monthly salary credit.” Paliwanag ni Nicolas.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit