Maari ng mag-apply ng passport na may 10-year validity ang Pilipino simula a primero ng Enero sa susunod na taon.
Batay ito sa ipinalabas kahapon ng DFA o Department of Foreign Affairs na implementing rules and regulations sa Republic Act No. 10928 o mas kilalang “an act extending the validity of Philippine passports”
Sakop ng sampung taong validity ang mga Pilipinong may edad 18 pataas habang limang taon parin ang validity sa mga Pilipinong mas mababa sa 18 gulang ang edad.
Mananatili sa 950 pesos ang halaga ng mga bagong ilalabas na passport ngunit posible umano itong tumaas dahil sa ilalagay na enhanced features.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang R.A. 10928 noong Agosto ng kasalukuyang taon.