Ilang araw bago ang Araw ng mga Patay, fully booked na ang ilang mga bus na biyaheng probinsya.
Ayon sa ulat, kabilang dito ang air-condition buses sa Araneta Center Bus Port na may biyaheng Bicol na noong nakaraang linggo pa fully booked.
Ito ay sa kabila ng dinagdagan nang bilang mga bibiyaheng bus.
Sa kabila nito, sinabi ng pamunuan ng Araneta Center Bus Port na maaari pa rin namang magtungo sa kanilang terminal bilang mga chance passenger.
Mahigit 16,000 pasahero, naitala ng PCG na bumiyahe sa karagatan para sa Undas
Pumalo na sa mahigit labing anim na libo ang bilang ng mga pasaherong naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa karagatan para sa Undas.
Pinakamarami sa naturang bilang ay mula sa Central Visayas na may mahigit pitong libong pasahero na sinundan ng Southern Tagalog na may halos tatlong libong bumiyaheng pasahero.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Captain Armand Balilo, sa ngayon ay wala namang kanselasyon sa biyahe ng mga barko.