Naglunsad ng siyam na araw na novena ang Caloocan diocese para sa mga biktima ng anti drug war campaign ng gobyernong Duterte.
Ayon kay Caloocan bishop Pablo Virgilio David, sisimulan nila ang nasabing novena sa November 2.
Binigyang diin ni David na kasama sa ipagtitirik ng kandila ang mga hindi namatay kundi pinatay at nawalan ng buhay hindi dahil binawi ng Diyos kundi binawi ng mga taong nagdidiyos-diyosan.
Hiniling din ni David ang pagdarasal sa mga nasa likod ng summary killings ng drug suspects.
Ang nasabing aktibidad ay inilunsad sa San Roque Cathedral na dinaluhan ng mga pamilya ng mga biktima ng drug related killings at human rights advocates.