Inaasahang madedesisyunan na ngayong araw ng 5th Division ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Senator Jinggoy Estrada kaugnay sa kopya ng senate investigation sa pork barrel scam.
Ito ay matapos hilingin ng Senador ang pagpapa-subpoena ng Sandiganbayan sa minutes ng ginawang imbestigasyon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman TG Guingona sa pork barrel scam.
Maliban dito, inaasahan din ang pagharap ng ilang opisyal ng mga bangko, upang patunayan ang umano’y mga transaksyon ni Estrada sa mga bangko, kung saan niya inilagay ang umano’y kickback mula sa pork barrel scam.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)