Patay ang apat na hinihinalang kidnapper na dawit din sa pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessmen sa operasyon ng mga otoridad sa Carmona, Cavite.
Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Chief Supt. Glenn Dumlao, kabilang sa mga nasawi ay sina PO3 Rodel Estonatoc at PO1 Ramil Espejo.
Sinabi ni Dumlao na ang mga suspek ay hinihinalang nasibak na o na suspinding mga pulis at kapwa sangkot sa pagdukot kay Carlos Abad Tan na isang junket operator sa Resorts World Manila at driver nito noong October 21.
Ang operasyon ay isinagawa kaninang pasado alas kuwatro ng madaling araw sa San Lazaro road, Sitio Ulong tubig sa Barangay Mabuhay.