Ibinulgar ni PBA Partylist Represntative Jericho Nograles na pinalitan ng Busan Universal Rail Incorporated o BURI ang mga orihinal na vehicle logic unit o VLU ng MRT-3 na nagsisilbing utak at safety device ng bawat tren.
Batay sa hawak na mga dokumento ni Nograles, lumalabas na isang tren na lamang o tanging ang car No. 63 ang may original VLU parts na mula pa sa Canadian firm na Bombardier Transportation Signal Ltd.
Ang VLU mula sa nabanggit na kumpanya ay idinesenyo mismo para sa MRT-3 pero iginiit ni Nograles na pinalitan ng ibang parts ng ibang tren dahilan upang ma-chop-chop ito at nagging resulta ng palaging pagka-aberya.
Lumalabas aniya na nagsinungaling ang BURI sa pagdinig ng House Committee on Good Government makaraang ihayag ng abogado ng BURI na original at walang pinalitan sa VLU ng mga tren.
Samantala, aalamin sa susunod na pagdinig ng Kamara kung sino at saan dinala o kung ninakaw ang VLU ng MRT.