Nagsimula nang magbalikan ang mga internally displaced person pero sa siyam na barangay pa lamang sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, aabot na sa 6400 indibidwal ang bumalik sa kani-kanilang barangay.
Nag-isyu anya ng mga I.D. Card ang mga opisyal ng barangay na i-babase sa hawak nilang datos upang matiyak na lehitimong taga-Marawi ang pinayagang makauwi.
Ang mga nagbabalikang bakwit ay pawang residente ng barangay Malutlut, Tampilong, Panggao Saduc, Datu Saber, Green, Morlataw Luksa Datu, Marawi Poblacion, East Basak at Matampay.