Sinimulan nang ipatupad ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines ang Oplan Undas 2017.
Tugon ito ng CAAP sa kautusan ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa lahat ng transportation agencies na manatiling nasa heightened alert para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero ngayong holiday.
Sinabi ng CAAP na nakipag ugnayan na sila saa mga airline company para sa mabilis at maayos na pag proseso sa mga pasahero lalo na sa mga check in counters.
Ayon pa sa CAAP magde deploy ng dagdag na tauhan ang mga airline company para ma accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero.
Bubuksan na ang check in counter dalawang oras bago ang pag alis ng isang domestic flight at tatlong oras naman para sa isang international flight.