Maaari pang papalitan sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga lumang pera hanggang ngayong Disyembre.
Ayon sa BSP, dahil sa napakaraming hiling mula sa publiko, minabuti nilang palawigin pa ang pagpapapalit ng mga lumang pera nang walang anumang bayad sa mga BSP cash department, regional offices at branches.
Hanggang isang daang libong (100,000) piso kada transaksyon ang papayagan sa pagpapalit.
Ito na ang ika-apat na deadline na itinakda ng BSP sa pagpapapalit ng lumang pera.
Abril 1 ng taong ito, tuluyan nang dinemonetized o pinawalang halaga ang mga lumang pera na ginamit ng bansa simula noong 1985.