Papayagan nang makapagpiyansa ngayong araw ang dating aktor na si Cogie Domingo at dalawa pa nitong kasamang lalaki matapos silang mahulihan ng mga ng iligal na droga.
Sumailalim na sa inquest proceedings si Cogie at ang mga kasama niya matapos dalhin ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Parañaque Prosecutors Office, kahapon.
Inirekomenda ang halagang P200,000 para sa piyansa ng dating aktor habang tig-P100,000 naman para sa dalawang lalaki.
Hindi naman pinahintulutang magpiyansa ang kasama nilang babaeng tulak umano ng droga.
Napag-alaman ng PDEA na madalas umanong puntahan ni Cogie ang Las Piñas at Parañaque para bumili ng droga pero idinepensa ng dating matinee idol na na-set up lamang siya at itinangging sa kanya ang mga nakumpiskang droga.
—-