Hindi tuloy sa November 3 at 4 ang nakatakdang Bangsamoro Assembly.
Ito ang inanunsyo ni Bangsamoro Transition Commission o BTC Chairman Ghazali Jaafar matapos pansamantalang ipagpaliban ang pagpupulong sa aniya’y ilang mga kadahilanang hindi nila kontrolado.
Tiniyak naman ni Jaafar na tuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng komite kahit man ito ay naantala at agad din ipapaalam kapag nagkaroon na ng kumpirmadong petsa ang pagpupulong.
Magugunitang nakapagsumite na ng draft ng Bangsamoro Basic Law o BBL ang BTC kay Pangulong Rodrigo Duterte noong July 17.
—-