Tiyak na matatadtad na naman ng pagkuwestyon at pagdududa ang magiging resulta ng halalan sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gus Lagman kasunod ng pagpayag ng poll body na upahan na lamang ang mahigit 30,000 Precint Count Optical Scan (PCOS) sa kumpaniyang Smartmatic.
Kasunod nito, pinalutang din ni Lagman ang posibilidad na magkaroon ng failure of elections sa 2016 dahil sa masamang rekord ng Smartmatic pagdating sa election system.
Kilala si Lagman bilang isa sa mga nagsusulong ng hybrid elections kapalit ng mga PCOS machines na aniya’y mas mura at kapani-paniwalang sistema ng eleksyon.
By Jaymark Dagala | Karambola