Inanunsyo na ni 6-time PBA champion Jayjay Helterbrand ang pagreretiro niya sa professional basketball.
Sinabi ni Helterbrand na hindi siya nagsisisi sa 17 taong karera sa Barangay Ginebra.
Ayon kiay Helterbrand, ayaw niyang mag-retiro sa pagba-basketball ng may mga injury.
Hindi naman niya tuluyang iiwan ang basketball dahil tiwala siyang makukuha bilang assistant coach.
Nabatid na noong isang taon pa sana magre-retiro si Helterbrand, subalit nagpasya itong maglaro pa ng isang season nang mag-wagi ang Gin Kings sa pinakahuling PBA Governor’s Cup.
Si Helterbrand na kilala ding bilang Helter Skelter ay tinanghal na 7-Time PBA All-Star, 2-Time All-Star Game MVP at 2-time member ng Mythical First Team.
Kilala ang tandem nina Helterbrand at Mark Caguioa bilang “The Fast and The Furious“.