Sinuspendi na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang number coding ngayong Martes, Oktubre 31, maliban sa Las Piñas kasabay ng paggunita ng araw ng mga patay.
Dahil dito, maaari nang makabiyahe ang mga sasakyan sa mga kalsada sa Metro Manila kahit ano pa ang huling numero sa plaka ng mga ito.
Bukod dito, suspendido na din ang number coding sa Nobyembre 1sa buong Metro Manila kasama ang Las Piñas City.
Sinabi naman ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na kanilang pang hihintayin kung magkakaroon ng abiso para sa suspensyon ng number coding sa Nobyembre 2.
Samantala, una nang inanunsyo ng MMDA ang mga saradong kalsada mula noong Oktubre 27 hanggang 31 kabilang ang Aurora Boulevard mula Dimasalang hanggang Rizal Avenue; Dimasalang mula Boulevard, Makiling hanggang Blumentritt at; P. Guevarra mula Cavite hanggang Pampanga sa Maynila.
Habang sarado naman ang Blumentritt mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra; Retiro mula Dimasalang hanggang Blumentritt Exit at; Leonor Rivera mula Cavite hanggang Aurora mula 12:01 ng madaling araw ng Nobyembre 1 hanggang alas 3 ng madaling araw ng Nobyembre 2.