Humihingi ng karagdagang intelligence fund ang Commission on Human Rights (CHR) para sa anila’y mas epektibong pagtatrabaho ng kanilang mga empleyado.
Ito ay kung saan hiniling ng CHR sa budget hearing ng Kamara na gawing limang milyon ang kanilang intel fund sa halip na P1 milyong piso na kasalukuyan nilang natatanggap.
Maliban dito, humihingi rin ang CHR ng P7 milyong pisong lump sum para sa personal services gayundin para sa mga contractual at consultant.
Giit ng mga opisyal ng CHR, kailangan ang karagdagang pondo para sa quick reaction team ng ahensya na nagsasagawa ng mga imbestigasyon at nagbibigay proteksyon sa mga biktima ng human rights violation.
By Ralph Obina