Posibleng ulanin ang malaking bahagi ng bansa sa paggunita sa Araw ng mga Patay simula ngayong araw hanggang bukas, November 1.
Ito ay dahil sa magiging epekto ng panibagong Low Pressure Area o LPA sa silangang bahagi ng Surigao del Norte.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng LPA sa layong 300 kilometro sa Silangan ng Surigao City.
Dahil sa epekto ng LPA, malaki ang posibilidad na maging maulap at maulan sa umaga at hapon sa Metro Manila ngayong araw hanggang bukas.
Inaasahang tatawirin ng naturang weather disturbance ang Visayas bago ito lumakas at maging isang ganap na bagyo bukas.
Dahil dito, makararanas ng pag-ulan ang mga lalawigan ng Quezon, Bicol, MIMAROPA Area, Southern Luzon at Northern Mindanao.
—-