Patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga bulaklak ngayong bisperas ng Undas.
Ayon sa ulat, nasa 250 pesos na ang kada dosena ng rosas.
Ang Malaysian mums naman, mabibili na ngayon sa P140 hanggang 180 pesos.
Ang carnation nasa 250 pesos habang ang orchids ay nasa 500 pesos.
Inaasahang tataas pa ang naturang presyo ng bulaklak hanggang bukas.
—-