Maaaring maharap sa mas mabigat na parusa ang hukom sa San Jose del Monte, Bulacan sakaling ituloy ang pagpapataw ng kasong contempt sa isang abogado.
Ayon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio, Chairman ng Second Division ng Supreme Court, nakita sa kanilang pagsusuri na guilty sa kasong grave abuse of authority si Judge Elijah Dalmacio Joaquin.
Ito ay nag-ugat sa kaso na isinampa ni Atty. Lucita Marcelo, matapos siyang patawan ng contempt ng hukom dahil sa hindi pagdalo sa isang pagdinig noong 2011.
Maliban sa kaso, agad din itong ipinaaresto ng hukom, matapos hindi agad makapagbayad ng P2,000 multa.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)