Bigo ang kampo ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick mabilog na makapaghain ng petition for certiorari para makakuha ng temporary restraining order o TRO.
Ayon kay Atty. Jonar Pueblo, spokesman ni Mabilog, nagpadala na sila ng kinatawan para maghain ng nasabing petisyon sa Court of Appeals o CA.
Subalit nagdeklara ng holiday ang Korte kaya’t hindi natuloy ang paghahain ng nasabing petisyon.
Gayunman, tiniyak ni Pueblo na kaagad silang susugod sa CA sa Nobyembre 2 para tuluyan nang ihain ang petition for certiorari.
Sinabi ni Pueblo na oras na pagbigyan ang hiling nilang TRO, magiging null and void ang pagsisilbi ng Department of Interior and Local Government o DILG ng dismissal order laban kay Mabilog.