Naka-standby ngayon ang lahat ng mga medical personnel at equipment sa mga ospital sa buong bansa hanggang Nobyembre 2.
Ito ay ayon kay Department of Health o DOH Undersecretary Herminigildo Valle kasunod ng paged-deklara ng DOH ng code white alert bilang pag-antabay ngayong undas.
Ayon kay Valle, karaniwang inilalagay sa code white alert ang mga ospital tuwing may malaking okasyon o pagtitipon tulad ng undas.
Ibig sabihin nito, bukod sa mga naka-duty ay dapat standby at on call ang lahat ng mga medical personnel sakaling kailanganin sila ng pagkakataon.
Kasabay nito, muling nagpaalala ang DOH sa mga magtutungo sa sementeryo na magdala ng tubig, maglagay ng mosquito repellent at kung hindi na kayang magtungo ng mga libingan ay huwag nang pilitin.