Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency na lehitimo at hindi set-up ang isinagawa nilang anti-illegal drugs operation sa Parañaque City laban sa aktor na si Cogie Domingo.
Ayon kay PDEA Spokesman Derrick Carreon, karapatan naman ni cogie Na ipagtanggol ang sarili nito pero kaya’t hahayaan na lamang nilang gumulong ang kaso.
Bago anya ang buy-bust operation, nakatanggap sila ng impormasyon na nagsasabing sangkot ang aktor sa illegal drug activities maging ang kanyang source na si Almira Bautista.
Dagdag ni Carreon , sinaksihan ng kanilang undercover agent ang transaksyon sa pagitan nina Bautista at Domingo, maging ng iba pang inarestong suspek na si Francisco Lim.