Tatlong (3) sibilyan ang sugatan kabilang ang 2 estudyante sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng barangay peacekeeping action team at Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Brig. General Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu, kasama rin sa tinambangan ay ang project engineer ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Sinasabing nagbibigay ng seguridad ang mga tauhan ng barangay sa mga cargo truck na kumukuha ng buhangin para sa ginagawang project ng DPWH nang atakihin sila ng mga rebelde.
Agad namang rumesponde ang tropa ng pamahalaan para tugisin ang mga tumakas na rebelde.
By Rianne Briones