Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mas malalang lagay ng trapiko partikular sa Marcos Highway sa susunod na dalawa at kalahating taon.
Ito ay dahil sa ginagawang LRT 2 Masinag Extension Project na maragdag ng dalawa pang istasyon ng LRT sa Emerald Station sa Cainta at Masinag Station sa Antipolo City.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, noon pang Hunyo nagsimula ang proyekto ngunit lubos na mararamdaman ang impact nito sa trapiko sa Setyembre.
Kabilang sa mga maapektuhan nito ay ang sasakyan na papapuntang Cubao area.
Kaya pinayuhan ang mga ito na dumaan na lamang sa mga alternate routes Sumulong Highway, A. Rodriguez Avenue, J. Rizal Avenue, Felix Avenue, Fernando Avenue, Calle Industria, Kaginhawaan at Ortigas Avenue Extension.
By Rianne Briones