Nakatakdang gumawa muli ng proyekto ang aktor na si Derek Ramsay sa ilalim ng Star Cinema.
Ito ay ang pelikulang may titulong “Kasal” na pagsasamahan nilang muli ng aktres na si Bea Alonzo at sa ilalim ng direksyon ni Direk Nuel Naval.
Ayon kay Derek, isa sa mga rason na tinanggap niya ang nasabing proyekto ay dahil sa tiyansang muling makatambal si Bea at mai-direk muli ni Direk Nuel.
Dagdag ni Derek, excited na siya sa nasabing pelikula dahil bago aniya ito at tiyak na papatok sa panlasa ng mga Pilipino.
Si Derek at Bea ay nagkasama na sa ilang proyekto noong sa ABS – CBN tulad ng “One More Chance”, “I Love You So” at “Magkaribal”.
Habang naging direktor naman niya si Direk Nuel sa pelikulang “No Other Woman”.
Samantala, ibinahagi din ni Derek ang naramdaman nang muling tumuntong sa bakuran ng kanyang dating home network na ABS – CBN para sa story conference ng nasabing pelikula.
Hindi naman isinasara ni Derek ang kanyang pintuan para muling bumalik sa Kapamilya Network, pero aniya, sa ngayon ay may kontrata pa rin siya at resposibilidad sa TV5.