Tinawag na “pathetic irony” ni Albay Representative Edcel Lagman ang pagbibigay parangal kay Senadora Leila De Lima ng Liberal International sa kabila ng pagkakapiit nito.
Ayon kay Lagman, nakakatawa aniyang isipin na ang mga taong tulad ni De Lima na nagtatanggol sa karapatang pantao ang siyang ginigipit sa sariling bayan gayung siya naman ang kinikilala sa labas ng bansa.
Patunay lamang aniya nito ayon kay Lagman na malinaw na mayroong human rights violation ang kasalukuyang administrasyon na kailangang itama sa pamamagitan aniya ng mga kritiko nito.
Magugunitang ginawaran ng Liberal International si De Lima ng human right honor na siyang pinakamataas na parangal na kanilang ibinibigay sa mga nagtataguyod at nakikipaglaban para sa karapatang pantao.