Pinapurihan ng lokal na pamahalaan ng Concepcion, Tarlac ang isang roomboy na nagsoli ng isang bag na naglalaman ng 2.4 milyong piso.
Ayon kay Concepcion Mayor Andy Lacson, si Arlan Sotto Sampang, isang bellboy sa Hotel Sogo sa Dau, Mabalacat, Pampanga, ay isang modelong mamamayan na dapat kilalanin sa kanyang katapatan.
Kuwento ng area manager ng hotel na si Mhar de Jesus, agad na itinurn-over ni Sampang ang isang bag na kanyang nakita niya ito habang naglilinis sa comfort room ng hotel.
Puno naman ng pasalamat ang may-ari ng bag dahil hindi niya inaasahan na mababawi pa niya ang kanyang bag matapos ang dalawang araw.
Bilang pagkilala, bukod sa cash gift ay inalok din ng permanenteng trabaho sa munisipyo si Sampang.
—-