Nagsimula na kahapon ang labing limang (15) araw na gun ban bilang paghahanda sa ASEAN Summit ngayong buwan.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, suspendido na ang lahat ng permit to carry firearms outside residence.
Aniya, tanging ang mga miyembro at opisyal ng mga law enforcement agencies naka-duty at naka suot ng uniporme ang maaring magdala ng armas.
Umiiral ang naturang ban sa National Capital Region, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Tarlac.
Tatagal ang naturang ban hanggang sa Nobyembre 15 o sa pagtatapos ng ASEAN Summit.
—-