Patuloy ang konstruksyon at paglalagay ng mga pasilidad ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ito ay batay sa mga bagong satellite images na nakuha ng foreign news agency na Reuters kung saan makikitang pinapalawak at pinauunlad pa ng China ang kanilang island bases sa pinagtatalunang teritoryo.
Ayon sa isang analyst ng Reuters, ang nasabing hakbang ng China ay posibleng nagpapakita ng muling paggigiit nito ng kanilang soberenya sa South China Sea.
Dagdag pa dito na maaaring maging pangunahing usapin ang patuloy na konstruksyon ng China sa South China Sea sa nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump sa Asya simula sa susunod na linggo.
Ang nasabing ulat rin ay lumabas ilang araw lamang matapos ihayag ni Pangulong Duterte na tiniyak ng China sa kanya na hindi ito maglalagay ng mga istruktura sa Scarborough Shoal.
—-