Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan sa isang gusali sa Zamboanga City.
Ayon sa ulat, tadtad ng mga pasa sa mukha at katawan ng nasabing babae nang makita sa Barangay Sinuc – Sinuc.
Batay din sa inisyal na imbestigasyon, hindi residente ng Barangay Sinuc-Sinuc ang babaeng biktima na posibleng pinatay sa ibang lugar bago itinapon sa nasabing barangay.
May nakita ding mga bakas ng gulong ng isang sasakyan malapit sa lugar kung saan natagpuan ang biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng babaeng biktima at ng mga salarin ng naturang insidente.