Target ng gobyerno na makapagpamudmod ng isang milyong pito o whistle sa mga bata sa buong bansa.
Bahagi ito ng kampanya ng gobyerno para labanan ang karahasan laban sa mga kabataan.
Ayon kay Council for Welfare of Children Executive Director Mitzi Cajayon-Uy, ang proyektong tinawag na ‘Pito, Bata, Pito‘ay kabilang lamang sa mga aktibidad ngayong National Children’s Month.
Paliwanag ni uy, malaking tulong ang pito para makakuha ng atensyon o makatawag ng tulong ang mga bata.
Plano ng gobyerno na maisakatuparan ang naturang proyekto sa Disyembre kasabay ng Kapaskuhan.
—-