Tila sinusundan na ni The Voice Kids finalist na si Esang de Torres ang yapak ng kanyang coach na si Lea Salonga.
Ito ay matapos na makuha ni Esang ang pagganap bilang si Matilda, ang sampung taong gulang na batang may telekinesis sa musical adaptation ng Atlantis Theatrical Entertainment sa Pilipinas.
Hindi naman maisalarawan ang kanyang saya nang mapili bilang isa sa tatlong gaganap na Matilda sa nasabing musical.
Ayon kay Esang, dream role niya ang maging si Matilda at paborito rin aniya ang libro at ang 1996 movie version nito.
Makakapalitan ni Esang na gaganap na matilda sa nasabing musical sina Uma Naomi Martin at Felicity Kyle Napuli.
Magugunitang nakuha rin si Esang bilang batang Cossette sa Manila at Singapore musical adaptation ng Les Miserables noong nakaraang taon.
—-