Ipinanawagan ng isang mataas na opisyal ng Vatican sa Iglesia Katolika na payagang umakto bilang pari kahit ang mga kasal na lalaki sa malalayong rehiyon sa Amazon.
Ginawa ni Bishop Erwin Krautler ang pahayag sa gitna na din ng napaulat na kakulangan ng mga pari sa Amazon na naging dahilan upang magpatawag si Pope Francis ng special meeting.
Kasama sa mga sakop ng rehiyon ng Amazon ay ang ilang bahagi ng Bolivia, Brazil, Colombia, Ecuador, French Guiana, Guyana, Peru, Venezuela at Suriname.
Ayon kay Krautler, kalihim ng Commission on the Pan-Amazon Region, nais niyang matalakay ang usaping ito sa gaganaping pagpupulong sa Vatican sa 2019.
Maging si Brazilian Cardinal Claudio Hummes, pangulo ng Bishops Commission for the Pan-Amazon, at malapit na kaibigan ng Santo Papa, ay sinasabing suportado din ang nabanggit na panukala.