Tunay na bumongga ang career ni Alessandra de Rossi matapos ang matagumpay nilang Indie movie ng komedyanteng si Empoy ang ‘Kita Kita’.
Bukod sa mga guesting at mga naka-linyang movie bumuhos din ang endorsement sa dalawa.
Ngunit hindi tulad ni Empoy ay medyo choosy si Alex sa kanyang mga tinanggap na endorsement.
Recently nga ay tinurn-down ni Alex ang 2 million pesos endorsement na alok ng isang liquor company.
Katwiran ni Alex, hindi niya maaaring i-endorse ang mga produktong hindi niya ginagamit o ni nasubukan man lamang.
Kabilang pa sa hindi pinagbigyan ni Alex ay ang offer ng isang motel company.
Aniya, ayaw nga niyang magpa-kiss on screen mag-endorso pa kaya ng motel?
—-