Posibleng naghahanda na ang North Korea para muling magsagawa ng nuclear at missile tests.
Ito ang inihayag ng South Korea batay sa nakuha nilang impormasyon mula sa kanilang spy agency.
Batay sa report ng South Korea’s Parliamentary Intelligence Committee, kanilang na-monitor ang paggalaw ng mga sasakyan sa paligid ng Missile Research Institute sa Pyongyang.
Nakasaad din sa report na nakahanda na ang tunnel 3 ng Missile Research Institute ng North Korea para muling magsagawa ng missile habang nagsimula rin ang paghuhukay sa tunnel 4.
Matatandaang huling nagsagawa ng nuclear test ang North Korea noong setyembre kung saan naitala ang magnitude 6.3 na pagyanig ng lupa.