Handa si Senate Commitee on Energy Chairman Sherwin Gatchalian na imbestigahan ang sinasabing anomalya sa paggamit ng pondo ng Malampaya batay sa pagsisiwalat ng COA o Commission on Audit.
Ayon kay Gatchalian, kanyang aalamin sa COA ang laki at lawak ng nasabing anomalya at doon niya ibabatay ang pangangailangan para isulong ang imbestigasyon hinggil dito.
Kasunod nito, isusulong ng senador ang kinakailangang mga hakbang para solusyunan ang mga pagkukulang sa umiiral na batas na nagtatakda sa paggamit ng naturang pondo.
Una nang inirekumenda ng COA ang pag-iimbestiga sa isyu lalo’t lumilitaw na mahigit sa tatlumpu’t anim (36) na bilyong pisong royalty ng Malampaya mula noong 2004 hanggang 2012 ang ginamit sa ibang mga proyekto taliwas sa itinatadhana ng batas na sumasaklaw dito.
(Ulat ni Cely Ortega-Bueno)