Ikinatuwa ng Malacañang ang pagpapalawig ni US President Donald Trump sa kaniyang pananatili rito sa Pilipinas.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng White House ang mas mahabang pananatili sa bansa ni Trump para dumalo sa East Asia Summit sa Nobyembre 13 hanggang 15.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, magandang pagkakataon ito para mapaigting ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
Patunay lamang ito ayon kay Andanar na bukas pa rin ang Pilipinas para makipagkaibigan sa mga bansang nakakabangga nito tulad ng Amerika na madalas makatikim ng pambibira kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pakiki-alam nito sa mga usaping panloob ng bansa.
—-