Labing lima (15) ang kumpirmadong nasawi matapos ang kambal na pag-atake ng grupong Al Qaeda sa security buildings sa bansang Yemen.
Unang naitala ang pagsabog nang ibangga ng suicide bomber ang isang kotse sa security headquarters sa central district ng Khor Maksar.
Sunod namang inatake ng mga terorista ang criminal investigation unit building kung saan, pinaulanan ito ng bala at saka pinasabugan ng suicide bomber na nasa loob mismo ng gusali.
Dahil dito, limang miyembro ng security forces at sampung sibilyan ang naitalang nasawi sa naturang mga pag-atake habang nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.
—-