Bumababa sa ika-limang sunod na linggo ang farm-gate price ng palay mula noong nakalipas na linggo na nagkakahalaga ng P18.73 kada kilo.
Ito’y batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA kung saan, ito na ang pinakamababang presyo ng palay kumpara sa parehong panahon noong isang taon.
Dahil dito, posible namang tumaas ng dalawang porsyento ang presyo ng regular milled rice na aabot sa P38 mula sa dating nasa P37.
Gayunman, nilinaw ng National Food Authority o NFA na inaasahang tataas ng mahigit 178,000 metriko tonelada ang suplay ng bigas sa bansa dahil sa panahon ng anihan.
—-