Inaasahang maisasampa ngayong araw na ito ang kasong illegal possession of explosives laban sa maybahay ni Omar Maute sa piskalya ng Iligan City.
Magugunitang nahuli at nasabat kay Minhati Madrais alias Baby ang mga bomb making component nang lusubin ng mga awtoridad ang inuupahan nitong bahay sa Steele Makers Village sa Barangay Tubod.
Ipinabatid ni Iligan City Police Office Director Senior Supt. Leony Roy Ga na naka-custody si Madrais sa Camp Tomas Cabili upang mabigyan ng sapat na seguridad.
Sinabi rin ni Ga na dumating na ang ilang kinatawan ng Indonesian Embassy para matiyak ang maayos na kalagayan ni Madrais.
Kasabay nito, inihayag ni Ga na mananatili munang kasama ni Madrais ang anim nitong anak hanggat hindi pa nila naisasampa ang kaso laban dito.
—-